Now Reading
Saan Aabot ang P50 pesos mo? Narito ang Kalidad na mga Beauty Products Mula sa Face Republic

Saan Aabot ang P50 pesos mo? Narito ang Kalidad na mga Beauty Products Mula sa Face Republic

Noong nakaraang taon, inilunsad ang isang tatak na pampaganda mula sa Korea dito sa Pilipinas: ang Face Republic. Ang mga produkto ng tatak na ito ay mula sa bansa kung saan nagmula ang K-pop ngunit bukod tanging dinisenyo para sa kutis ng Pilipina. Ayon sa CEO ng Face Republic na si Yohan Kim, ang malamig at tuyo na klima sa Korea ay may malaking pinagkaiba sa malimit na mainit na klima ng Pilipinas, kaya naman ang mga produkto nila na ibinebenta dito sa ating bansa ay nababagay sa ating pang-araw araw na klima na ginagalawan. Ang maganda rito ay bukod sa kalidad na, abot-kaya rin ang kanilang mga produkto na nagsisimula sa napakamurang halaga na dalawampung piso lamang!

Ang layunin ng Face Republic ay makapaghatid ng mga produkto na may kakayahang mag-“transform” ng kinis at kulay ng iyong balat upang magkaroon ng “flawless” na kutis gaya ng mga kilalang K-pop na artista at singers. Dito sa SHY Philippines, handog namin sa inyo ang ilan sa kanilang magagandang produkto na subok at maaasahan. Narito ang ilan sa kanila.

Face Republic Super Screen Sun Gel SPF 50+ 2 ml (P20)

Ang maliit na sachet ng sun screen na ito ay tiyak na magbibigay na proteksyon mula sa tirik na araw dahil sa SPF 50+ na pormulasyon. Bukod rito, papangalagaan rin nito ang iyong kutis mula sa iba’t ibang mapanganib na UVA at UVB rays ng araw. Hindi malagkit ang gel na ito kaya madali rin itong higupin ng balat para sa magaan at malamig na pakiramdam. Siksik ito sa eucalyptus extract kaya bukod sa mabango na, swak na swak ito sa mainit na klima lalong lalo na kapag tirik ang araw sa tanghali o hapon.

Face Republic Gold Mineral Cleanser 5 ml (P23)

Ang Gold mineral cleanser ng Face republic ay mayroong deep-cleansing formula na magpapalabas ng iyong tunay na kutis-ganda sa isang iglap! Dahan-dahan nitong nililinis at pinapakinis ang iyong balat habang binibalik ang kulay at buhay ng kutis dahil mayaman ito sa mga mineral na mula sa ginto. Mayroon rin itong ilang botanical extracts na makakapag-moisturize sa iyong mukha para hindi ito tuyo at magaspang sa pakiramdam.

Face Republic Perfect Cover BB Cream 1.5 ml (P29)

Ang BB cream ng Face Republic ay isang uri ng “blemish balm” na maghahatid ng natural na itsura kahit suot mo ito. Epektibo nitong tinatakpan ang mga linya at pores sa iyong mukha para maging makinis at “flawless” ito saan ka man pumunta. Pinapantay rin nito ang kulay ng mukha kaya mabilis nitong naibabalik ang buhay sa dating maputlang kulay nito.

Face Republic Sleeping Beauty Face Mask Whitening Rice Formula 20 grams (P49)

View this post on Instagram

rice pa more 🍚 #masksheets #sleepingbeauty @stphntps

A post shared by facerepublic (@facerepublic) on

Ang face mask na ito mula sa Face Republic ay siksik sa antioxidants mula sa rice water gaya ng Vitamin B, Vitamin E, linoleic acid, at squalene. Tiyak na papalambutin at papakinisin nito ang iyong mukha dahil mabisa itong nagtatanggal ng dead skin, dumi, at ilang di kanais-nais na particles sa iyong kutis. Ang resulta? Sinisigurado namin na makinis at pantay na kutis na halos walang pores.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top