Now Reading
Sale! Sale! Sale! Libre ang Shipping sa Shopee Ngayong Buwan ng Setyembre!

Sale! Sale! Sale! Libre ang Shipping sa Shopee Ngayong Buwan ng Setyembre!

Source: Shopee

Ang “Shopee” ay isa sa pinakasikat na plataporma kung saan maaari kang mag-shopping o mamili ng samu’t saring produkto sa isang pindot lamang mula sa iyong cellphone, laptop, tablet, o desktop. Ito ay nagmula sa bansang Singapore sa ilalim ng “Sea Group” na itinatag noong taong 2009. Mula nang una itong inilabas sa Singapore noong taong 2015, kumalat na ang paggamit nito sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia, Thailand, Indonesia, Vietnam, Taiwan, at siyempre – sa Pilipinas.

Source: Google

Bukod sa pamimili, ang bawat “user” ng Shopee ay maaari ring magbenta ng kahit anong gamit sa Shopee – mapa damit, gadget, pagkain, laruan, sapatos, makeup at maging mga kasangkapan. Kinalaban ng Shopee ang mga naglalakihang online e-commerce websites tulad ng Lazada, Amazon at AliExpress. Ang pinagkaiba nila sa mga ito ay ang tinatawag nilang “Shopee Guarantee”, kung saan hindi makukuha ng nagbebenta ang kanilang pinadalang paninda hanggat hindi ito natatanggap ng mismong customer na bumili o nag-order nito.

Source: Shopee

Ngayong paparating na buwan ng Setyembre, mayroong malaking SALE na magaganap sa Shopee na tinagurian nilang “9.9 Sale”. Sa kaganapang ito, libre ang shipping fee kaya mismong produkto lang ang iyong kailangang bayaran. Oo! Tama ang nabasa mo – libre at walang bayad ang shipping fee! Sa katunayan, mayroon pang inilabas na kalendaryo ang Shopee kung saan maaari mong makita ang mga produktong may libreng shipping fee sa bawat araw ng buwan ng Setyembre.

See Also

Source: Google

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Abangan ang unang araw ng Setyembre dahil ito ang tinatawag nilang “Super Free Shipping Day” – ibig sabihin, libre ang shipping ng lahat ng produkto nila sa araw lamang na ito. Samantala, sa ikalawang araw ng Setyembre naman ay ang “Super Electronics Day” kung saan ilang mga produkto nila na electronics ay may libreng delivery. Dapat namang abangan ng mga nanay ang “Super Kids and Baby Day” sa ikatlo ng Setyembre dahil maraming produktong pambata ang may libreng delivery sa araw na ito. Maaring silipin ang buong kalendaryo sa website ng Shopee.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top