Now Reading
Si James Franco Nga Ba Ang Dahilan sa Hiwalayang Amber Heard at Johnny Depp?

Si James Franco Nga Ba Ang Dahilan sa Hiwalayang Amber Heard at Johnny Depp?

Isa ka ba sa nahuhumaling sa HBO Drama na The Deuce? Siguradong kilala mo at naging tagahanga ka rin ng sikat na Hollywood actor na si James Edward Franco o mas kilala natin sa pangalan na James Franco. Sino nga ba si James Franco? Isang American actor at filmmaker, na nakilala at nagbida sa mga ilang series at pelikula gaya ng 127 Hours kung saan sya ay nominado bilang Academy Award for Best Actor; Spider-Man Trilogy; Eat, Pray, Love; at sa The Disaster Artist kung saan nanalo siya bilang Golden Globe Award for Best Actor. Talagang pinatunayan ni James Franco ang kayang natatanging galing sa larangan ng film industry.

At kamakailan, nahaharap sa isang kontrobersiya ang Hollywood actor na si James Franco. Isang CCTV footage ang pinagmulan ng lahat na kasama si Amber Heard, ang ex-wife ni Johnny Depp na nakilala niya sa pelikulang The Pirates of the Caribbean. Nakuha sa isang CCTV footage na magkasama si James Franco at Amber Heard sa isang elevator sa loob ng apartment. Pagkaraan ng isang araw noon, nagkaroon ng gusot sa pagsasama na mag-asawa na napunta sa paghihiwalay o divorce. Makikita sa video na alam nilang may camera sa loob ng elevator, na kung saan si Amber Heard ay mistulang nagtatakip ng mukha gamit ang kanyang buhok at si James Franco naman ay nakasumbrero upang hindi makita ang mukha. Mapapansin din na tila sumandal si James Franco sa balikat ni Amber Heard bago sila lumabas ng elevator.

Isang panayam mula sa attorney ni Depp na kung saan ay maghahain ng subpoena ang actor para kay James Franco na hindi nila direktang binanggit sa mga interview ngunit alam na si James Franco ang tinutukoy sa balita.

See Also

Agad na umani ng maraming reaksyon ang CCTV footage na kumalat sa mga social media accounts. Marami ang nagsabi na ito ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Amber Heard at Johnny Depp. Naging usap-usapan ang isyu ng mga actor ng kanilang mga taga-hanga at kanilang mga kritiko. At hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni James Franco sa isyu na ibinabato sa kaniya.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top