Now Reading
Silipin ang mga Eyeshadow na Ginagamit nina Anne Curtis at Georgina Wilson sa Kanilang mga Instagram Selfies!

Silipin ang mga Eyeshadow na Ginagamit nina Anne Curtis at Georgina Wilson sa Kanilang mga Instagram Selfies!

Alam niyo ba na may makulay na kasaysayan ang makeup? Ito ay nagsimula noong taong 10,000 B.C. sa bansang Egypt kung saan parehong babae at lalaki ang gumagamit nito bilang panlinis ng balat. Isang itim na mineral na tinawag nilang “Kohl” ang kauna-unahang eyeliner at ginagamit ito upang magbigay ginhawa sa mga mata kapat tirik ang araw. Mula noon, unti-unti nang nagsulputan ang iba’t ibang uri ng makeup gaya ng “lip stain” at “nail color”.

Ano-ano ang mga benepisyong makukuha sa pagsuot ng makeup?

Isa sa mga pinakaimportanteng benepisyo sa paglagay ng makeup ay ang pagbigay nito ng kumpiyansa sa sarili at pag-angat ng “self esteem” ng isang tao. Dagdag rito, ang makeup ay nakakapagbigay rin ng proteksyon sa balat laban sa mga mapanganib na kemikal gaya ng polusyon sa hangin.

Ano ang mga pakinabang sa pagsuot ng eyeshadow?

Ang eyeshadow ay isa sa pinakakilalang produkto ng makeup dahil binibigyan nito ng lalim ang mga talukap ng mata at pinaiigting nito ang pagbuka ng mga mata. Ang resulta? Mapupungay na mata na tulad ng kay Barbie!

Dito sa SHY Philippines, ilalahad namin sa inyo ang ilang kalidad na eyeshadows na gawang Pinoy: ibig sabihin, kalidad at abot-kaya ang mga ito!

Sunnies Face Glowboss (P445)

View this post on Instagram

heavenly ☁️✨

A post shared by Sunnies Face (@sunniesface) on

Ang “it girls” na sina Georgina Wilson, Bea Soriano – Dee, at Martine Cajucom ang mga kababaihan sa likod ng tatak na “Sunnies Face”. Ito ay kasalukuyang kilala na di lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sila ang nagpasikat ng produktong tinawag nilang “Glowboss”, isang multipurpose na highlighter stick na dinisenyo upang magbigay ng nais mong “glow” sa mga bahagi ng mukha na nais mong i-highlight gaya ng pisngi at talukap ng mata. Mayroong tatlong nag-gagandahang kulay na maaari mong pagpilian kaya naman paniguradong isa o dalawa rito ay babagay sa kulay ng iyong kutis.

Blk cosmetics liquid eyeshadow (P299)

See Also

Ang tatak na Blk cosmetics ay itinatag ng kilalang “it girl” na si Anne Curtis. Ang liquid eyeshadow nila ay may long-lasting formula: ibig sabihin, matagal ang pagkapit nito sa balat kaya hindi mo kailangang mag-retouch ng paulit-ulit. Mayroong walong iba’t ibang kulay nito na maaari mong pagpilian: I love you, slammin, the bomb, hello, cute, gorgeous, jasmine, and daisy. Ipinagmamalaki ng Blk cosmetics ang kanilang k-beauty makeup products na madaling gamitin. Kaya naman di mo na kailangang pumunta sa parlor para lang magpa-makeup. Kapag Blk cosmetics ang gamit mo, para ka na ring nagpunta sa parlor sa ganda ng makeup mo!

Ellana mineral cosmetics’ loose multipurpose pigments highlighter and eyeshadow (P299)

Ang nag-gagandahang pure mineral makeup powder na produkto ng Ellana Cosmetics ay naghahatid ng pangmatagalang makinis na mukha na swak na swak lalong lalo na para sa mga dalagang Pilipina. Ang kanilang pigment eyeshadows ay gawa sa loose mineral powder na maaaring ipahid sa mga talukap ng mga mata. Kahit walang eyeshadow brush, maaari mong gamitin ang dulo ng iyong mga daliri at ihahatid pa rin nito ang tamang tingkad at kulay sa isang pahid lamang.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top