Now Reading
Silipin ang mga Kulay Pink na OOTD na Magbibigay Inspirasyon sa Iyong Susunod na Lakad

Silipin ang mga Kulay Pink na OOTD na Magbibigay Inspirasyon sa Iyong Susunod na Lakad

Naitananong mo na ba sa iyong sarili kung bakit ang kulay na “pink” ay kalimitang paboritong kulay ng mga kababaihan? Bakit nga ba karaniwang sinasagisag ng kulay na ito ang mga babae?

Ilang pag-aaral ang nagsasabi na sa edad na isa hanggang tatlo, walang pinagkaiba ang paboritong kulay ng mga bata. Sa murang edad na ito, mas kaakit-akit sa paningin ang mga “primary colors” gaya ng pula, dilaw at asul. Ngunit habang lumalaki ang bata, nagkakaroon ito ng paboritong kulay dahil ang kulay na iyon ang karaniwang gamit na nakikita ng bata sa pang-araw araw gaya ng damit, laruan, kainan, at maging inuminan.

Sa kasalukuyang mundo na ating ginagalawan kung saan hindi lang babae at lalaki ang kasarian, ang kulay na pink ay di lamang ekslusibo para sa mga kababaihan. Ilang lalaki at miyembro ng LGBTQ community ang mahillig rin sa kulay na ito. Gayunpaman, mas marami pa ring babae ang nahihilig sa kulay na pink lalo na pagdating sa pananamit. Mapa-kaswal, pormal, o pang-araw araw, siguradong ang bawat babae ay mayroong isa o dalawang piraso ng damit na ganito ang kulay. Dito sa SHY Philippines, ipapakita namin ang ilang “outfits” o “OOTD” na naaayon sa kulay na ito.

Para sa pagpasok sa eskwela

Source: Google

Papasok sa eskwela ngayong panahon ng tag-ulan? Ipares ang pink na cardigan sa ripped jeans at sabayan ito ng pink na sneakers. Komportable na, maganda pa! Lunes man o Biyernes, bagay ito anumang araw sa paaralan at siguradong lilingunin ka ng iyong mga kaklase.

Para sa pagpasok sa trabaho

Source: Google

Maging mala-“Barbie girl at work” sa pamamagitan ng pagsuot ng pink na blazer gaya nito kasabay ng pink na sapatos na may takong. Mapa-ripped jeans man o slacks, siguradong mapapa-“impress” mo ang iyong boss dahil sa ganda ng iyong outfit!

Para sa may ka-date

Source: Google

Sing tamis ng peach ang outfit na ito na talaga namang swak na swak para sa iyong susunod na date kasama ang iyong “special someone”. Ang pink na bestida na ito ay bagay na bagay sa anumang restoran na inyong kakainan: mapa fine dining o casual dining dahil hindi ka magmumukhang “over” o “underdressed”.

Para sa iyong pang-“travel OOTD”

See Also

Source: Google

Naka-book na ba ang iyong tiket papuntang Paris o Italy? Dahil kadalasang malamig ang klima sa ibang bansa lalong lalo na mula Oktubre hanggang Pebrero, maaari kang magsuot ng makakapal na faux fur coat gaya nito.
Para sa pag-workout sa gym

Source: Google

Imposibleng hindi mapa-“wow” ang iyong coach kapag ganito kaganda ang OOTD mo sa gym. Bukod sa sexy na, ang pink na sports bra at pink na leggings na ito ay magbibigay ng suporta sa iyong katawan habang nagwowork-out. Bukod sa komportable, “stretchable” rin ang tela nito kaya umaayon ito sa iyong paggalaw habang nag-eehersisyo.

Para sa pormal na okasyon

Source: Google

Siguradong naimbita na kayo sa magagarbong okasyon gaya ng kasal at kaarawan. Magsuot ng mahabang gown gaya nito lalo na kung ang “venue” ay five star hotel. Ang pink na gown ay simple at elegante kaya tunay itong kapansin-pansin.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top