Silipin ang mga Restaurant na Pagmamay-ari ng Mga Sikat na Artista

| | ,

Alam ba ninyo na bukod sa pag-aartista, ilang celebrities na ang pumasok na rin sa negosyo ng pagkain? Mapa-restaurant o fast food chain, maraming artista ang lakas loob na sumabak sa food business dahil isa ito sa mga pinaka-praktikal na negosyo sa kasalukuyan. Unang una, ang pagkain ay isa sa mga pang-araw araw na pangangailangan ng isang tao kaya naman walang matatapon sa negosyong ito. Dito sa SHY Philippines, ipapakilala naming sa inyo ang ilan sa aming mga iniidolong artista at ang kanilang mga negosyo.

Ogie Alcasid: Ryu Ramen and Curry

Kasama ang ilang kasosyo, unang itinayo ni Ogie Alcasid ang kanyang restaurant na Ryu Ramen and Curry sa Tomas Morato noong taong 2012. Mula sa pangalan nito, kilala ang restaurant sa masasarap na ramen at Japanese curry nito. Pagkatapos ng apat na taon, naipalago ni Ogie ang negosyo sa pamamagitan ng pagbukas ng dalawa pang branches sa U.P. Town Center sa Quezon City at sa SM Jazz Residences sa siyudad ng Makati.

Kris Bernal: Meat Kris

Mayroong burger joint si Kris Bernal sa Don Roces Avenue, CommunEATy, Quezon City. Ito ay isang maliit na stall na nagbebenta ng masasarap na burger. Si Kris mismo ang nag-“conceptualize” ng interior design ng kanyang negosyo dahil hands-on ito pagdating sa kanyang business. Ang mga pangalan ng kanyang mga burgers ay isinunod sa kanyang mga proyekto at kaibigan sa showbiz. Sa katunayan, isa rito ay tinawag niyang “Sausage ni Aljur” burger habang ang isa naman ay tinawag nyang “Cheese Bernal”.

Kean Cipriano: Concho’s

Kasosyo ni Kean Cipriano ang kanyang kabandang si Tatsi Jamnague sa pagtayo ng restaurant na Concho’s. Ito ay kilala sa pinakamasarap na sisig sa Marikina, kung saan ang una at orihinal na branch ay matatagpuan. Sa kasalukuyan, mayroon na itong ikalawang branch sa Maginhawa Street Quezon City.

Boy Abunda: GoodAh!!!

Ang sikat na TV host at talent manager na si Boy Abunda ay mayroong franchise ng fast food chain na GoodAh!!! noong taong 2015. Itinayo niya ang kanyang branch sa Timog Avenue Quezon City, ang dating lokasyon ng nasunog na Ozone Disco. Ang negosyong ito ay sumusuporta sa foundation ni Boy Abunda na “Make Your Nanay Proud” o “MYNP” sa pamamagitan ng pag-bigay ng tatlong piso sa bawat order ng “Boy’s Bistek”.

Previous

Selena Gomez and Ariana Grande Is Officially Joining The Beauty Business Industry

Ed Sheeran: Pinakasalan ang Kababata Kahit Sikat na Sikat na Siya sa Buong Mundo

Next