Now Reading
Silipin ang Pinakabagong Disenyo ng Nike Kyrie Sneakers: Walang Iba Kundi Sina SpongeBob, Patrick, Squidward, Mr. Krabs at Sandy Cheeks!

Silipin ang Pinakabagong Disenyo ng Nike Kyrie Sneakers: Walang Iba Kundi Sina SpongeBob, Patrick, Squidward, Mr. Krabs at Sandy Cheeks!

Mahilig ka ba sa mga may tatak na sneakers gaya ng Nike, Adidas, Puma, Vans, at Fila? Kung ganoon, mayroon kaming magandang balita sa iyo! Alam mo ba na malapit nang ilabas ang pinakabagong disenyo ng Nike sneakers – walang iba kundi ang kilalang cartoon character na si Spongebob! Magkakaroon ng limang iba’t ibang uri ng disenyo na kinabibilangan nina SpongeBob, Patrick Star, Squidward, Mr. Krabs, at Sandy Cheeks! Ito ay para sa pagkilala ng ika-dalawampung taong anibersaryo ng Nickelodeon, ang home channel ng palabas na SpongeBob Square pants. Ang mga disenyo ay nabuo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Nike kay Kyrie Irving, isang kilalang basketbolista sa NBA.

Ang mga sapatos na may disenyong SpongeBob, Patrick, at Squidward ay tatanghalin bilang “Nike Kyrie 5”, habang ang disenyo nina Sandy at Mr. Krab ay ang “Nike Kyrie Low 2”. Ang bawat pares ng sapatos na ito ay may nakatatak na “NIKE” sag awing takong ng sapatos na ginamitan ng font style na katulad ng Nickelodeon font. Maaaring bilihin ang mga sapatos na ito simula sa ikasampu ng Agosto ngayong taon. Ang Kyrie 5 ay nagkakahalaga ng P6,500-P8,000 pesos habang ang Kyrie Low 2 ay nasa P5,500-6,000 pesos.

Ang sapatos na may disenyong SpongeBob ay kulay dilaw na may kasamang pula at brown habang ang kay Patrick Starfish naman ay kulay rosas at may mga disenyong bula. Ang swelas nito ay kulay neon green na may halong kaunting ube. Samantala, ang sapatos naman ni Squidward ay kulay seafoam green at light blue kaya malamig ito sa mata. Matingkad ang pagka-pula ng sapatos ni Mr. Krab at may accent ito ng kaunting bughaw, ginto, at berde. Ang sapatos naman ni Sandy Cheek ay tugmang-tugma sa astronaut suit ni Sandy. Ito ay kulay puti na may pink na bulaklak sa gilid. Lahat ng sapatos ay may mukha ng bawat karakter sa panloob na swelas nito kaya mas lalo itong nakakatuwang suotin.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top