“Sometimes We Really Need To Chill—And Go To School”: Bela Padilla Naglabas Ng Saloobin Tungkol Sa Pagdawit Sa Kanya Sa Bea-Gerald-Julia Issue

| |

Halos mag ta-tatlong linggo na tayong pinupuno ng Bea-Gerald-Julia drama at halos bawat linggo, may bagong update at pasabog tungkol sa gusot ng tatlong artista. Kamakailan ay muli tayong ginulat ng isang mahaba at palaban na mensahe ni Julia Barretto tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kaniya at ang pag-aakusa niya kay Bea Alonzo ng “bullying”. At dahil na rin sa kontrobersya na ito, marami na rin sa mga malalapit na tao sa buhay nila Julia, Gerald at Bea ang nadadawit ang pangalan sa nasabing isyu. Isa na rito ang artistang si Bela Padilla.

Kamakailan ay inakusahan ng mga tagahanga at ilang netizens si Bela Padilla sa pagsangkot niya sa gulo ng tatlo. Ayon kay Bela, sa kanyang interview sa late-night talk show, Tonight With Boy Abunda, noong Agosto 7, Martes ng gabi, na walang basehan ang mga ibinibintang ng mga netizens sa kaniya. Ang pinagmulan ng pambabatikos kay Bela ay ang larawan na kasama nya si Bea Alonzo, kasama ang iba pang artista na sina Angel Locsin, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi, Angelica Panganiban, at Paulo Avelino, kung saan may “hashtag” ang litrato na “#ParaKayB” na nakatawag pansin sa mga tagahanga lalo na ni Julia Barretto. Masasakit na salita umano ang kanyang natatanggap na mensahe mula sa mga fans ni Julia. Hindi rin maikakaila na matalik na magkaibigan ang ate ni Julia Barretto na si Dani Barretto at Bela, kaya mas lalong umanong nagalit ang mga netizens dahil kampi at sinusuportahan niya umano si Bea Alonzo.

View this post on Instagram

About last night. ❤️

A post shared by Deo Endrinal (@montie08) on

Ayon kay Bela, hindi dapat palakihin ang isyu sa litrato, hindi ito dapat big deal para sa iba dahil para sa kaniya, ito ay simpleng dinner kasama ang kanyang mga kaibigan. Inamin ni Bela na ang dinner na iyon ay hindi para pag-usapan ang isyu na kinasasangkutan ni Bea, kung hindi isang party dahil sa trade launch ng ABS-CBN.

Napag-alaman din ni Bela ang mga maling akusasyon na in-unfollow niya ang Instgram account ni Julia matapos ang kanilang dinner. Agad niyang tinext si Dani at ang nanay nito na si Marjorie Barretto dahil sa lumaki na at naging maingay na usap-usapan na ang litrato. Ayon sa kaniya, nagsimula siyang mag “Instagram detox” noong nakaraang taon pa kaya mula sa 4,000 na kanyang fina-follow sa Instagram, naging 2,000 na lang ito at hindi lang si Julia ang kanyang inalis, kung hindi marami pang iba.

“Kalma, kids. Social media is not everything. One picture of a dinner doesn’t define our future. Sometimes we really need to chill—and go to school. I feel like masyado kayong maraming oras sa Instagram at libreng Facebook, guys,” ani ni Bela Padila sa kanyang interview. At narito ang interview para sa buong detalye.

Previous

Bella Hadid at The Weeknd, Hiwalay na “Ulit”?

Three Years With BLACKPINK, We’ll Be Forever Blinks!

Next