Now Reading
Subukan ang Sunset Eye Makeup Look sa Pamamagitan ng Pagsunod sa Step-by-step Guide na Ito

Subukan ang Sunset Eye Makeup Look sa Pamamagitan ng Pagsunod sa Step-by-step Guide na Ito

Panahon na para gumamit ng makukulay at matitingkad na makeup sa iyong mga mata ngayong panahon ng tag-init! At may mas kukulay pa ba sa sunset eye makeup na usong uso ngayon sa Instagram at pati sa Facebook? Ang eye makeup na ito ay humahalintulad sa naggagandahang kulay ng ulap sa paglubog ng araw – kaya naman mistulang painting ang talukap ng iyong mga mata pag ito ang makeup mo! Paniguradong wala kang katulad pag ginamit mo ang makeup na ito at tiyak na lilingunin ka ng marami.

Alam mo ba na ang matitingkad na kulay na ito sa mata ay pinauso ng kilalang singer na si Madonna noong 1980s? Iniba lang ito ng kaunti sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay ng ulap sa paglubog ng araw imbis na apat na iba’t ibang kulay na magkakasalungat. Ang resulta? Isang obra na talaga namang kahanga-hanga lalo na sa mga party o night outs.

Ang sunset eyeshadow makeup ay gumagamit ng nagtitingkarang kulay gaya ng orange, purple, red, gold, at blue. Hindi mo kailangang maging professional makeup artist para maglagay ng makeup na ito. Basta’t tama ang mga kulay na iyong pagsasama-samahin, siguradong mapapa-wow ang sinumang makakita sa iyo pag suot mo ang makeup na ito. Handog namin dito sa SHY Philippines ang step by step na panuntunan para sa sunset makeup look.

Una: I-prime ang talukap ng mga mata

Ang pinakamabisang pampatagal ng makeup sa iyong mga mata ay ang paglalagay ng eye primer. Ito ay makakatulong rin sa pagpapakinis ng talukap ng mata para maging mas madali ang pag-apply at pag-blend ng makeup. Nakakatulong rin ito sa pagpapantay ng pagkakalagay ng makeup. Kung walang eye primer, maaari kang gumamit ng concealer o foundation bilang kapalit nito.

Ikalawa: Gumawa ng light base

Pagkatapos maglagay ng eye primer o concealer sa mga talukap ng mata, maaari ka nang magsimulang maglagay ng eyeshadow. Magsimula sa pinaka light na kulay upang mas madali itong i-blend sa matingkad na kulay pagkatapos. Ipahid ang kulay na ito sa buong talukap ng mga mata at ilampas ito pinakasulok ng talukap upang makagawa ng korteng “winged” o mala-pakpak.

Ikatlo: Dagdagan ito ng lalim

Gamit ang mas matingkad na kulay, pahiran ang talukap ng mata para magmukha itong malalim. Ito ang magsisilbing kulay ng sikat ng araw kaya gumamit ng kulay na orange o pula.

Ika-apat: Lagyan ng eyeliner ang ilalim ng mga mata

Ngayong kumpleto na ang kulay ng araw, kulay naman ng mga ulap ang ating ilagay. Gumamit ng kulay purple o blue na eyeliner para rito. Gamit ang eyeliner brush, dahan-dahang i-blend ang kulay na ito upang makalikha ng “soft shadow effect” sa ilalim ng mga mata.

Ikalima: I-highlight ang mag sulok ng mata at ilalim ng kilay

See Also

Upang makadagdag ng lalim sa mga mata, pahiran ng katiting na pang-highlight ang sulok ng mata at ilalim ng kilay gamit ang eyeshadow na kulay perlas.

Ika-anim: Lumikha ng “wing tip

Gumamit ng itim na liquid eyeliner at magsimulang maglagay nito sa loob papalabas. Siguraduhing pantay ang pagkakalagay nito sa magkabilang mata.

Ikapito: Maglagay ng mascara sa pilikmata

View this post on Instagram

Haven’t done a red look in a little while 💥✨

A post shared by Malia Shayy Xo (@maliashayy_mua) on

Hindi makukumpleto ang sunset makeup eyeshadow mo kung walang pampakapal ng pilikmata. Upang mas lalong maging makulay at bukas ang mga ito, gumamit ng kulay asul na mascara imbis na itim.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top