Sulit, Abot-kaya at Maganda: Subukan na ang Mumuso Makeup Products

| | ,

Narito nanaman tayo sa usapang makeup mga ka-SHY, at gaya ninyo kami ay naghahanap din ng mura, de kalidad, mainam sa balat at epektibong makeup products na dito lang mabibili sa ating bansa. At sa dami ng makeup brands at alin ng aba sakanila ang pasok sa ating bulsa? At eto ang aming nahanap, marahil ay pamilyar na kayo sa brand na ito dahil nito lamang mga nakaraang taon ay nagsimulang umusbong ang store na ito dito sa Pilipinas at sa ngayon ay mayroon na silang mahigit 20 na branch sa buong Pilipinas. At kung ikaw ay mahilig sa mga Korean brand na makeup siguradong hindi mo papalampasin ang Mumuso, tama mga ka-SHY Mumuso, isang store na napakaraming pagpipilian, may mga gamit sa bahay, mga bags, damit, unan at syempre ang ating pagtutuunan ng pansin ang kanilang makeup products. Epektibo, safe at abot kaya ba ang mga ito? Kaya ipagpatuloy lang ang iyong pagbabasa upang malaman ang kasagutan at makakuha ng ideya sa mga magagandang makeup products na hatid ng Mumuso.

Isa sa mga nagustuhan naming sa Mumuso ay mura ang kanilang makeup products ay nagkakahalanga ng 99 hanggang 300 pesos, napakamura diba? Bukod sa marami na ang nakasubok nito ay tinatangkilik narin ng karamihan dahil sa maganda din ito sa balat. Isa sa mga nais naming irekomenda sainyo ay ang mga sumusunod:

Mumuso Refinement Fluency Eye Pencil

Tignan ang variety ng kanilang eye pencil o eyeliner, dahil sa mas manipis at malambot ang tip nito ay mas makokontrol mo ang paglalagay ng eyeliner at ma-achieve mo ang perfect wing eyeliner na gusto mo!

At narito rin ang kanilang full volume na mascara na madaling i-apply at madalis din matuyo at agad nitong mabibigyang buhay ang iyong mga pilikmata.

Mumuso Eyeshadow Palette

Isa lamang anga eyeshadow palette na ito sa napakraming kulay na pwede mong pagpilian. Bukod sa mga magagandang kulay ng bawat palette ay creamy ang texture nito kayat siguradong hindi ito agad-agad na matatanggal.

Tignan ang swatches ng eyeshadow na ito mula sa Mumuso.

Source: Project Vanity

Meron din silang mga BB cream, liquid foundation at powder. Mamili lang ng angkop na shade sa iyong balat.

Source: Maekulay Wixsite
Source: Maekulay Wixsite

At syempre ang kanilang blush, sa kulay ng kahel o orange, pink at marami pang iba.

Source: Maekulay Wixsite

Subukan din ang kanilang blending lipstick na may kasamang sponge sa kabilang tip para maayos na maikalat ang lipstick sa iyong labi.

Mayroon din silang ibang lipstick products gaya ng matte, color changing at duo lipstick.

At para sa iba pang makeup products ng Mumuso, mayroon din silang brush sets, blending sponge at iba`t-ibang makeup remover at skin care products na pwede mo rin subukan.

Ilan pa sa mga makeup na meron sa Mumuso ay makikita sa susnod na mga larawan.

Kinagigiliwan din ang mga cute na disenyo at mga imprenta sa kanilang mga makeup products. Kaya anu pang hinhintay nyo mga ka-SHY, subukan na ang mga makeup products na galling sa Mumuso, affordable, sulit at safe para sa iyong balat.

Previous

Nahanap na namin ang mga cute at sexy outfit na bagay saiyo!

Anne Curtis and Park Bo Gum’s Twitter Interaction Won The Internet

Next