Now Reading
Sumakabilang Buhay na ang Artista sa Disney Channel na si Cameron Boyce sa Murang Edad na Dalawampu

Sumakabilang Buhay na ang Artista sa Disney Channel na si Cameron Boyce sa Murang Edad na Dalawampu

Nanonood ba kayo ng mga palabas sa Disney Channel gaya ng “Descendants”? Malamang ay pamilyar kayo sa isa sa mga artista na madalas lumabas sa ilang programa sa channel na ito. Isa sa kanila ay ang dalawampung taong gulang na si Cameron Boyce na gumanap bilang “Carlos”, ang anak ni Cruella de Vil sa palabas na Descendants. Sa programa, mayroon siyang alagang aso na nag-ngangalang “Dude” at nobya na si “Jane”. Ang karakter ni Cameron sa palabas na ito ay isang mabuting kaibigan at nobyo.

Sa edad na labing-siyam, Si Cameron Boyce ay maituturing na batikan sa larangan ng showbiz dahil sa kaliwa’t kanang mga palabas sa telebisyon at maging pelikula kung saan siya ay kabilang. Ilan sa mga pelikulang tampok siya ay ang “Mirrors”, “Eagle Eye”, “Grown Ups”, “Jessie”, at “Gamer’s Guide to Pretty Much Everything”. Pinarangalan siya ng isang “Daytime Emmy Award” bilang “Outstanding Promotional Announcement” noong taong 2017 para sa pagganap nya sa isang teleseryeng pinamagatang “Timeless Heroes – Be Inspired”. Sumunod na taon, pinarangalan muli si Cameron Boyce ng “Pioneering Spirit Award” sa ikasiyam na taunang “gala” ng “Thirst Project”. Siya ay tubong Los Angeles, California at kinagigiliwang tawagin ng ilan na “old soul”. Nagsimula ang karera ng batang aktor sa pagsayaw sa ilang mga advertisement at commercials.

View this post on Instagram

Cameron em seu Instagram.🖤

A post shared by Cameron Boyce Brasil (@cameronboycebr) on

Noong ika-anim ng Hulyo ngayong taon, pumanaw ang magiting na aktor dahil sa “epileptic seizure”. Isa sa mga miymebro ng kanyang pamilya ang nagbahagi ng balita sa media at sinabi nito na namatay ang aktor habang natutulog matapos itong mag-“seizure”. Ito ay sanhi ng kanyang dinadalang kalagayan na dati nang ginagamot. Bilang pagkilala, isang emosyonal na mensahe ang pinost ng batiking artista na si Adam Sandler sa kanyang Instagram account. Ani niya, si Cameron ay isa sa pinakamabait, talentado, at desenteng batang artista ngayon. Si Adam Sandler at Cameron Boyce ay magkasama sa pelikulang “Grown Ups” at “Grown Ups 2”.

See Also

View this post on Instagram

Dear Boy Magazine via Instagram

A post shared by Cameron Boyce Brasil (@cameronboycebr) on

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top