Now Reading
Takot Ma- ‘Friendzone’? Narito ang Iyong Mga Dapat Malaman

Takot Ma- ‘Friendzone’? Narito ang Iyong Mga Dapat Malaman

“Pasensya na pero hanggang magkaibigan lang talaga tayo,” marahil ay isa iyan ang pinakamasakit pakinggan pagkatapos mong magtapat ng iyong nararamdaman sa iyong crush! At tama ka, ikaw ay na “FRIENDZONE”. Ano nga ba ang friendzone? Para sa mga hindi pa nakakaranas ng friendzone, isa itong sitwayson kung saan hindi kayo pareho ng nararamdaman ng taong gusto mo. Dahil sa matagal o masidhing pagkagusto mo sa isang tao ay gusto mo nang mag-level up ang inyong pagkakaibigan at kung ikaw ay nagtapat na sa iyong crush o kaibigan na matagal mo nang gusto at hindi niya sinukilan o tinanggihan niya ang iyong paghanga o pag-ibig, tiyak ikaw ay nasa sitwasyon ng isang “friendzone” o hanggang sa magkaibigan lang. Mahirap malagay sa sitwasyong ito at ayaw natin na makita natin ang ating sarili sa ganitong komplikadong kalagayan, kaya dito sa SHY maswerte kayo dahil aming ibibigay ang mga paraan upang maiwasan mong malagay sa “friendzone”.

Hello Self?

Tanungin ang sarili ng paulit-ulit kung tama ba at worth it ba na ipagtapat ang iyong nararamdaman at magbago ang lahat kung sakali man na hindi niya ito tanggapin? Importante na alamin muna ang totoong nararamdaman, maging praktikal sa mga desisyon na pwede makaapekto sa iyo ng pang-matagalan. Isipin muna kung handa ka na bang pumasok sa isang relasyon na hindi lang magkaibigan at kung ganun din ba ang taong iyong gusto. Obserbahan din kung sa lahat ba ng bagay o mga gawain na nagawa mo para sa kanya ay may magandang balik o tila “mutual” ang inyong nararamdaman, o sa madaling salita, nararamdaman mo bang “may pag-asa”? Kung OO ang sagot mo sa mga tanong, mag-ipon ng lakas ng loob at sabihin sa taong iyon ang iyong nararamdaman. Kung hindi naman ay pag-isipan kung dapat pang sabihin at wag na umasa o i-distansya ang sarili para sa ikabubuti.

F.R.I.E.N.D.S

Sabi nga nila, “No man is an island.” Mainam na kausapin ang iyong matalik na kaibigan tungkol sa iyong nararamdaman, madalas ang mga kaibigan na laging kasama at nakakakita kung paano kayong dalawa ng iyong taong gusto ang makakapag-bigay liwanag sa iyong isipan para maiwasan ang “friendzone”. May mga ideya ang ating matalik na kaibigan at mga importanteng opinyon silang naibibigay ukol sa mga pwedeng mangyari at mga mangyayari pagkatapos mong magtapat at huwag kang mag-alala dahil ang mga matatalik na kaibigan o best friend/s ay madalas na tama sa kanilang advice.

Time. Time. Time.

Maglaan ng oras para sa iyong sarili, kung may balak kang magtapat sa taong gusto mo at maiwasan ang friendzone, siguraduhing naplano mo ito ng mabuti at napag-isipan. Magkaroon ng oras para dito upang mapag-isipan at maintindihan ang mga pwedeng mangyari at maglaan ng oras para sa taong iyong gusto. Isa sa mga paraan upang ipahayag ang damdamin para sa isang tao ay ang pagkakaroon mo ng oras para sa kaniya. Samahan siya sa isang coffee shop, library, o restaurant kung saan pwede kayong kumain pagkatapos sa trabho at kung anu-ano pa. Isa rin ito sa paraan upang mahulog ang loob niya sa iyo!

Kailangan Mag-effort!

Hindi basta-basta ang magkaroon ng isang relasyon. Kailangan kung nais mo talaga na i-pursue ang iyong nararamdaman kailangan mong mag-effort. Bukod sa oras ay kailangan na ipakita mo at iparamdam mo sa kanya ang kahalagahan niya, kung gaano mo siya kagusto at tiyak na mararamdaman mo rin kung ganun din ba ang pakiramdamn niya sa iyo.

See Also

At kung pareho kayo ng nararamaman, Congrats! Hindi ka na-friendzone!

Acceptance

Marahil ay isa ang pagtanggap o acceptance sa pinakamadaling o mahirap gawin base sa sitwayson. Kung sakaling nagtapat ka na sa iyong gusto, tinanggap niya ito at gusto ka rin niya ihanda ang iyong sarili sa mga bagong expectations, dahil hindi na lang kayo basta magkaibigan. At siyempre, magiging masaya ka sa desisyon na iyon. Ngunit sa kabilang banda, kung hindi naman niya tanggapin at na-friendzone ka, mainam na tanggapin ito, mahirap ngunit mas mainam na lawakan ang pang-intindi at tanggapin ito ng maluwag sa iyong sarili. Isipin na mas may nakalaan pa sa iyo na mas mabuti at siguro ay hindi pa ito ang tamang oras. Huwag mawalan ng confidence at pag-asa!

At ilan lamang iyan sa mga dapat gawin upang maixwasan ang sitwayson ng friendzone, kaya’t pag-isipang mabuti ang mga hakbang at desisyon na gagawin upang hindi natin ito pagsisihan sa huli.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top