Tignan ang mga nakakakilig na larawan nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kasalang Georgia at Ian

| |

Naghatid ng kilig sa mga netizens at sa mga AshMatt fans ang litrato ni Popstar Royalty Sarah Geronimo at Penduko star na si Matteo Guidicelli sa kasal ni Giorgia Guidicelli. Ikinasal kahapon, Disyembre 8 ang kapatid ni Matteo na si Georgia sa kanyang fiancé na si Ian Dato na ginanap sa St. Therese Parish Church in Lahug, Cebu City. Noong Oktubre, ipinahayag ni Matteo na si Sarah ang napili ng kanyang kapatid na si Georgia upang maging kanyang maid of honor. Ikinatuwa at ikinagalak ito ni Sarah maging ng mga netizens. Samantala, si Matteo naman ay isa sa mga groomsmen ni Ian.

Makikita sa mga litrato ang nagniningning na kulay dilaw na suot ng entourage sa kasal, at bukod sa mga magagandang larawan mula sa kasal ay ang mga larawan ni Sarah at Matteo na magkasama ay kumalat sa social media. Makikita rin ang litrato ni Sarah sa suot nitong dilaw na gown, napakasimple ng istilo ng dalaga na lalong hinangaan ng mga fans.

Ang mga litrato rin kung saan kasama ni Sarah at Matteo ang ilang bisita ay hindi rin pinalampas ng kanilang mga fans. At syempre ang mga litrato kung saan ay makikitang sweet na sweet ang dalawa sa kasal. Makikita rin na naghandog ng awitin si Sarah at Matteo sa kasal. Handa na ba kayong kiligin? Narito na ang ilan sa mga litrato ni Sarah at Matteo sa nasabing kasal.

Noong nakaraang buwan, ginulat ni Matteo ang lahat ng kanyang ibahagi sa buong mundo na siya at ang nobyang si Sarah ay engaged na. Ang nakakatuwang balita ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram na kung saan makikita na may suot na singsing si Sarah sa kanilang nakakatuwang litrato. Kinumpirma din ito ng kapatid ni Matteo na si Paolo sa kanyang Instagram post. Sinundan naman ito ni Matteo ng kanyang mensahe sa mga magulang ni Sarah at ang kanyang pagpapahayag ng intension at pagmamahal para kay Sarah.

Kaya naman, ang kasal na ito ng kapatid ni Matteo at ikinatuwa ng marami dahil nakikita ng AshMatt fans na handing-handa na ang dalawa para sa kanilang magiging kasal. Wala pang pahayag sina Matteo at Sarah sa detalye ng kanilang magiging kasal, kung kalian o saan ito gaganapin, kaya naman patuloy na umantabay sa amin upang malaman ang mga pinkabagong balita ukol kina Matteo at Sarah.

Previous

2NE1’s Sandara Park and Park Bom will release a duet song “First Snow”

Who is Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi?

Next