Tignan Kung Paano Gawin ang Pink Strawberry Shortcake Eye Makeup ni Dove Cameron

| | , ,

Nasubukan mo na ba magsuot ng glitter makeup? Ito ay isa sa pinakapaboritong makeup look ng mga artista sa Amerika ngayon. Isa rin itong paraan upang magmukhang pabulosa lalong lalo na ngayong panahon ng tag-ulan na madalas makulimlim ang panahon.

Ang sikat na artista na si Dove Cameron ay kamakailan lamang nagsuot ng makeup na ito kung saan ang kulay na ginamit ay pink. Ang glitter makeup ay maaaring magsilbing makinang na alahas o accessory sa anumang kasuotan. Talaga namang kamangha-mangha ang kinalabasan ng makeup na ito at sinasabing nakuha ang inspirasyon nito mula sa pagkain na strawberry shortcake.

Una: Dahan-dahang lagyan ng light eyeshadow ang tiklop ng mga mata

Source: HudaBeauty

Ang paraan na ito ay magsisilbing eyeshadow “base”. Gumamit ng anumang kulay na nais, ngunit kung gusto mo ng simpleng glitter look, ang kulay na light brown at gray ang una sa listahan. Kung nais gumamit ng mas matingkad na kulay, humanap ng light pink o blue para rito.

Ikalawa: Pumili ng isa pang kulay para sa buong talukap ng mga mata

Source: The Cut

Siguraduhing tugma ang ikalawang kulay na ito sa unang kulay na iyong ginamit. Gumamit ng makapal na flat brush para mas lalong kumapit ang glitters sa mga talukap ng mata. Ito ay para masiguradong hindi madaling matanggal ang mga glitters sa isang iglap.

Ikatlo: Pumili ng mas matingkad na kulay para sa sulok ng mga mata

Source: The Cut

Maaari kang gumamit ng anumang kulay na nais para dito ngunit muling alalahanin na dapat itong tumugma sa unang dalawang kulay ng eyeshadow na nailagay na. Kung nais mong gumamit ng neutral na kulay, ang dark brown o black ay swak na swak. Samantala, kung nais naman ng makukulay at nagtitingkarang makeup, ang navy blue ang piliin.

Ikaaapat: I-blend ng maigi ang kulay mula sa sulok ng mga mata papunta sa tiklop ng mga mata

Source: Google

Huwag kalimutang gawing sapat ang pag-blend upang hindi tuluyang mabura ang nilagay na makeup. Siguraduhing pantay ang paglagay nito.

Ikalima: Maglagay ng glitters

Source: Rebloggy

Pagkatapos i-blend ang iba’t ibang kulay sa mata, oras na para maglagay ng glitters! Simulan ito sa pamamagitan ng pagpahid ng glitter primer upang masiguradong hindi ito magkakalaglag. Kung walang glitter primer, maaaring gumamit ng kaunting concealer.

Ikaanim: Magdagdag ng light color sa itaas ng brow bone

Source: JAF Brush

Upang ma-highlight ang makukulay na makeup at lalong bumuka ang mga mata, gumamit ng highlighter at ipagid ito sa itaas ng brow bone o sa ilalim ng kilay. Pumili sa mga kulay na puti, cream, o light metallic para mas umangat ito.

Ikapito: Maglagay ng mascara sa pilikmata

Source: The Cut

Ang tinatawag na “winged” eye o “cat” eye ay isang teknik na lalong magpapabukas ng iyong mga mata. Ito ay mahalaga dahil maaaring hindi sapat ang mga kulay para pabukahin ito. Sumunod dito ay paglalagay ng mascara. Kung hindi marunong mag-wing, maaaring maglagay na lamang ng mascara.

Previous

Subukan ang Sunset Eye Makeup Look sa Pamamagitan ng Pagsunod sa Step-by-step Guide na Ito

Pag-ibig Nga Naman: Tingnan ang Pagyayakapan nina Blake Lively at Ryan Reynolds sa Shooting ng Pelikulang “Free Guy”

Next