Now Reading
Top 3 K-pop Makeup Looks na Uso Ngayong Taon

Top 3 K-pop Makeup Looks na Uso Ngayong Taon

Source: Google

Mahilig ka ba sa kulturang “K-pop” o “Korean popular culture”? Ito ay isang kilalang uri ng “lifestyle” o kultura sa mga teenager at millennial di lamang sa Asya kundi maging sa mga karatig bansa nito gaya ng Vietnam, Indonesia, Japan, Singapore, at Malaysia. Dahil sa mabilis na pagsikat ng “K-pop”, halos buong mundo ay nanghuhumaling sa musika, makeup, istilo ng pananamit, at kultura ng mga idolo nilang Korean pop groups gaya ng Blackpink at Big Bang.

Source: Google

Pagdating sa makeup, ang “smoky eyes”, “platinum blonde” na kulay ng buhok, at “popsicle lip tint” ang unag papasok sa iyong isipan kung K-pop ang pag-uusapan. Mula sa mga k-grupong BTS, EXO, GOT7, at Twice, narito ang ilang mga makeup looks na hango sa pinakausong istilo na maaari ninyong gayahin para sa iyong susunod na “makeup inspiration”.

#1. Kulay “violet” na buhok

Source: Google

Mula nang itanghal ang kulay na “ultra violet” bilang “Pantone Color of the Year” noong nakaraang taon, ilang mga k-pop stars ang nagpakulay ng buhok na hango sa kulay na ito. Sa katunayan, makikita ito sa isang “music video” ng GOT7 na “Lullaby” kung saan may mga kulay ng lavender, lilac at violet ang buhok ng isang miyembro nito na si Mark. Samantala, si Jennie ng Blackpink ay may mahahabang hair extensions na kulay violet rin sa music video nila na “Ddu-Du Ddu-du”.

#2. Rhinestone eye makeup

Source: Google

Ang mga makikitab na palamuti na dinidikit sa balat ay isang uri ng accessories na tinatawag na “rhinestones”. Ito ay isang paraan upang makadadag ng kinang sa iyong pangkabuuang anyo. Sa music video ng “Get it” ng Pristin V, makikita ang isang miyembro nito na si Eunwoo na may tatlong mga palamuti sa gilid ng kanyang mata. Para naman kay “Rollercoaster”, mas maganda itong tignan sa panloob na sulok ng kanyang mga mata kaya naman ito ang naging look nito sa music video ng kantang “Love U”.

See Also

#3. Cheek art

Source: Google

At syempre, hindi magpapahuli ang “cheek art” o ang pagguhit at pagsulat ng “graphics” sa iyong mukha tulad ng ginawa ni Kino ng Pentagon sa music video na “Thumbs Up” kung saan isinulat nito ang salitang “ribbit” sa kanyang pisngi at ilong. Si Jessica Jung naman ay nagdikit ng mga sticker sa kanyang pisngi ng mga letra ng kanyang pangalan.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top