Top Four Highlighters na Hindi Lalampas sa P500 Pesos

| | ,

Ang makeup na makakapagpalabas ng iyong mga asset ay ang highlighter. Ang makapangyarihang makeup na ito ay makakapagbigay lalim sa ilang bahagi ng iyong mukha para mas lalong maging kapansin-pansin ang mga parte na nais mong ipagmalaki gaya ng pisngi, labi, o mga mata. Bukod dito, kaya rin nitong ibalik ang buhay sa iyong balat at lalong gawing ka-akit akit ang kulay nito kung tama at sapat ang pagkakalagay. Upang makalikha ng mistulang “anino” sa mukha para maging hapis itong tignan, ang highlighter ay di mo dapat kaligtaan sa iyong makeup routine. Ito ay may kakayahang gawing mas angat ang iyong cheekbones o jawline kaya mas lalong maganda ang kabuuang itsura ng makeup mo. Kaya rin nitong panipisin ang iyong “double chin” at “chubby cheeks” para mas lalong plakado ang iyong ganda.

Tuwing maglalagay ng highlighter, isaisip ang mga bahagi ng mukha na unang tinatamaan ng araw gaya ng pisngi, ilong, baba, at noo. Ang mga bahaging ito ang dapat lagyan ng highlight gamit ang makeup brush. Tandaan, ang dapat makamit kapag naglalagay ng makeup ay maging natural ang itsura nito sa pamamagitan ng paglagay ng mga kulay sa mga bahagi lamang na kailangang lagyan.
Dito sa SHY Philippines, hatid namin sa inyo ang ilang highlighters na makakapagbigay ng ilang benepisyong pampaganda sa pinaka abot-kayang paraan. Sinisiguro rin namin na kalidad ang mga ito at nababagay sa anumang kulay ng kutis.

Highlighter Beam mula sa The Face Shop (P495)

Ang highlighter mula sa The Face Shop ay hindi malagkit at may tinatawag na “luminous effect” kaya bagay na bagay ito sa anumang kulay ng balat. Mayroon itong bahagyang light pink na kulay kaya lalong magiging mukhang natural ang makeup pag naglagay ka nito. Mayaman rin ito sa “Perfect Seed extract” kaya naman mas lalo nitong pakikinisin ang iyong mukha.

My Palette My Highlighter mula sa InnisFree (P380)

Ang My Palette My Highlighter mula sa Innisfree ay “buildable” – ibig sabihin, maaari mo itong pakapalin o panipisin ayon sa nais mo. Madali itong sumama sa makeup brush at kumapit sa balat kaya maganda ang kulay nito kapag suot. Dahil siksik ito sa “micronized pearls”, swabe ang paglagay nito at walang kahirap-hirap.

Ever Bilena Advance Glow out Highlighter (P199)

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat na tatak ng makeup na Ever Bilena? Mula noon hanggang ngayon, ang Ever Bilena Cosmetics Inc. ay patuloy na gumagawa ng magagandang makeup di lamang para sa mga Pilipinas kundi pati na rin sa mga kababaihan sa buong mundo. Mula foundation, eyeshadow, blush, at lipstick – siguradong mayroong produkto ang Ever Bilena na magugustuhan mo. Ang Glow Out Highlighter mula sa tatak na ito ay abot-kaya na at maganda pa. Pinong pino ang mga butil ng kulay nito kaya talagang kapansin-pansin ito kapag suot mo.

Frosted Pearl Highlighter mula sa BENCH (P139)

Source: Google

Sa abot-kayang halaga na P139, magkakarron ka na ng magandang “shimmering effect” sa iyong mukha. Ang highlighter na ito mula sa Bench ay maghahatid ng natural at pantay na kulay ng balat dahil madali itong i-blend.

Previous

Papasok sa Trabaho? Narito ang ilang OOTD para Magmukhang “Lady Boss”

Tunghayan ang 80s-themed BARBIE X SEPHORA Limited Edition Makeup Collection

Next