Now Reading
Tunghayan ang 80s-themed BARBIE X SEPHORA Limited Edition Makeup Collection

Tunghayan ang 80s-themed BARBIE X SEPHORA Limited Edition Makeup Collection

Ang Sephora ay isang malaking kompanya na gumagawa ng mga produktong pampaganda mula sa bansang France. Ito ay pag-aari ng LVMH Moët Hennessy Louis Vuitton at itinatag noong taong 1970 at kasalukuyang may mahigit tatlongdaang iba’t ibang kilalang tatak sa ilalim ng kanilang pangalan. Sa kasalukuyan, ang Sephora ay nangunguna hindi lamang sa makeup kundi pati na rin sa pabango. Bukod rito, mayroon din silang ilang produkto para sa kuko, buhok, at balat.

Mahigit dalawang libo’t kalahating tindahan na ang naitayo ng Sephora sa tatlumpung iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas. Mahigit kumulang limangdaan sa mga ito ay nasa bansang Estados Unidos. Sa bawat tindahan, ang kanilang mga mamimiliay ginagabayan ng makabagong teknolohiya at magagaling na staff para sa pagpili ng produkto na nararapat sa kanilang balat.

Para sa mga kababaihan na mahilig sa Barbie, magandang balita ang handog namin sa inyo dito sa SHY Philippines. Kamakailan lamang ay inilabas ng Sephora ang Limited Edition Barbie Makeup Collection na may 80s theme. Talaga namang magbibigay sa atin ito ng “ultimate throwback” dahil kay sarap naman talagang ibaliktanaw ang mga panahong pinaglalaruan natin ang ating paboritong laruan na si Barbie. Ang koleksyon na ito ay mayroong miniature palette, felt-tip eyeliner, lipstick, mascara, at maging baseball cap – lahat ay nakalagay sa isang napakagandang kahon na may disenyong “boom box” o radyo noong 1980s.

LIPSTORIES X Barbie Lipstick (Limited Edition) P497

Ang #Lipstories ay nakalagay sa isang ekslusibong lalagyan at mayroong walong iba’t ibang kulay nito. Ang mga kulay ng lipstick na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Hit the Street (Cream), Kick it! (Matte), Super Barbie (Matte), Barbie World (Cream), Beauty Battle (Cream), Barbie Beats (Metal), Barbie Berries (Metal), at Barbie Swag (Cream). Bukod sa madali itong ipahid sa mga labi, hindi ka dapat magpahuli dahil limitado ang bilang ng mga lipstick na ito sa bawat tindahan ng Sephora.

Minitaure Eyeshadow Palette X Barbie (Limited Edition) P867

Mayroong laman na anim na iba’t ibang kulay ang eyeshadow palette na ito mula sa brown, puti, at makinang na rosas para sa mapupungay na mata. Mataas ang pigmentation ng Miniature Eyeshadow Palette X Barbie kaya sinisigurado namin sa inyo na maganda ang kulay nito sa balat at madali rin itong ilagay gamit ang makeup brush.

Volume On Mascara X Barbie (Limited Edition) P631

See Also

Matagal mo na bang pinangarap na magkaroon ng mga pilikmata tulad ng kay Barbie? Sa wakas, maaari mo nang maisakatuparan ang pangarap na ito gamit ang mascara mula sa Barbie Collection ng Sephora. Ang matubig at malambot na pormulasyon ng mascarang ito kasama ang brush na nakakabit sa takip ng lalagyan ay siguradong magpapakapal at magpapahaba ng iyong mga pilikmata sa isang pahid lamang!

Barbie X Sephora Colelction Kit P2,255

Eyeshadow palette, waterproof eyeliner, mascara, at sombrero na may tatak na “Barbie” – ‘yan ang laman ng makeup collection kit na ito. Siguradong makakamtan mo na ang malalaki at mapupungay na mata gaya ng kay Barbie kapag ginamit mo ang eyeshadow, eyeliner, at mascara mula sa limited edition collection ng Sephora X Barbie. Kaya ano pang hinihintay mo? Kumpletuhin ang koleksyon at huwag magpahuli!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top