Now Reading
Tunghayan ang Ilang OOTD Gamit ang Sapatos na Crocs

Tunghayan ang Ilang OOTD Gamit ang Sapatos na Crocs

Source: Google

Mapa-lalaki man o babae, ang sapatos ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagdadamit dahil maaari nitong paigtingin ang ganda o gawing di kagila-gilalas ang iyong pangkabuuang itsura. Bukod sa pagiging sukatan ng pagka-“fashionista”, ang mga sapin sa paa ay magdadala rin ng ginhawa o sakit sa ating mga buong katawan at pati na rin sa kalusugan lalong lalo na kung matagal mo itong suot at madalas kang nakatayo.

Source: Google

Ang kalusugan ng ating katawan ay sadyang importante dahil mahirap magkasakit. Bukod sa pag-“workout” sa gym at pag-inom ng masusustansyang pagkain, dapat ring magsuot ng komportableng sapatos dahil malaki ang epekto nito sa pangkabuuang kalusugan ng ating mga katawan. Kadalasa’y nasasakripisyo ang kaginhawan ng paa sa ngalan ng istilo. Kaya naman nandito kami para ipakita sa inyo na hindi na kailanman kailangang magtiis-ganda.

Source: Google

Isa sa pinaka-komportable at usong sapatos noon hanggang ngayon ay ang Crocs, isang uri ng “clogs” na gawa sa foam. Nagmula ito sa bansang Amerika noong taong 2002 bilang isang sapatos na ginagamit sa pagbabarko o “boat shoes”. Ang tatak na ito ay itinatag ni Lydon Hanson at George Boedecker, Jr. mula nang mabili nila ang kompanyang “Foam Creations”. Dalawandaang pares ng unang modelo ng Crocs noong panahong iyon ang nabenta sa Amerika, at mula noon ay hindi na ito nagpa-awat sa pag-unlad at pag-lumago hanggang sa kasalukuyan.

Source: Google

Mayroong mahigit isandaang nag-gagandahang istilo ng Crocs para sa mga lalaki, babae, at bata anumang okasyon – lahat ng ito’y di lamang masarap sa paa kundi maganda rin sa paningin. Ang bawat pares ng Crocs ay likha mula sa isang natatanging resin na naka-patent sa Crocs, ang Croslite™. Ang makabagong teknolohiya ng Croslite™ ang nagbibigay ng katangian sa sapatos na ito: magaan, malambot, at masarap sa paa. Hindi rin ito tinatablan ng anumang marka o amoy kaya swak na swak itong gamitin sa mga pang-araw araw na gawan.

See Also

Source: Google

Sa kasalukuyan, mahigit isang milyong pares na ng Crocs ang nabenta sa buong mundo. Kaya ano pang hinihintay mo? Subukang magsuot ng Crocs at sinisigurado naming papasalamatan ka ng iyong mga paa!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top