Now Reading
Umiwas sa “Bacne” Gamit ang Mga Body Wash na ito!

Umiwas sa “Bacne” Gamit ang Mga Body Wash na ito!

Madalas ka bang tubuan ng taghiyawat di lamang sa mukha kundi pati na rin sa ibang parte ng katawan gaya ng likod, dibdib, braso, at balikat? Nagktataka ka ba kung bakit ito tumutubo sa kung saan-saang bahagi ng katawan? Ang sagot ay simple lang – anumang parte ng katawan na may hair follicle at sebaceous glands ay maaaring tubuan ng taghiyawat dahil sa pagbabara ng mga ito mula sa natural na sebo na nanggagaling sa katawan.

Talaga namang hindi nakakatuwa ang mga taghiyawat na ito dahil bukod sa makati, hindi rin sila magandang tignan lalong lalo na kapag ikaw ay magbabakasyon sa beach suot ang paborito mong panglangoy. Hindi natin alam kung kailan tutubo ang mga ito dahil kadalasa’y bigla na lamang sila sumusulpot ng hindi natin alam. Karaniwan, mahirap itong itago at hindi mo rin maisuot ang mga backless at sleeveless na pantaas dahil nakaka-“conscious” ito.

Kaya naman narito kami sa SHY Philippines upang tulungan kayong makaiwas sa mga di kanais-nais na taghiyawat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Gamit ang tamang body wash, maaari mo na ulit isuot ang paborito mong strapless na jumpsuit at sleeveless na maxidress.

Ano ang body wash?

Ang body wash ay isang uri ng pansabon sa katawan na likido – ibig sabihin, kailangan mong gumamit ng wash cloth o isang piraso ng tela para bumula ito sa katawan habang naliligo. Ang mga body wash ay karaniwang gawa sa iba’t ibang sangkap, at ang tamang pagpili nito batay sa uri ng iyong balat ay mahalaga upang maging epektibo ang formulation nito sa iyong balat. Kadalasang mas “gentle” sa balat ang mga body wash dahil karaniwan itong mayamang sa sangkap na “petrolatum”, isang uri ng kemikal na nakakapagpalambot at kinis ng balat. Narito ang ilang body wash na magandang gamitin para sa mga may balat na madalas tubuan ng taghiywat.

Mario Badescu A.H.A Botanical Body Soap (P670)

Tanggalin ang mga taghiyawat sa katawan sa pamamagitan ng body wash na ito. Bukod sa mabango na, masarap rin sa pakiramdam ang body wash na ito pagkatapos maligo. Mas lalong maganda kung gagamitin ito araw-araw para maging epektibo. Siguraduhing banlaw na mabuti ang balat pagkatapos ito isabon.

Human Nature Natural Body Wash (P160)

Ang Human Nature Sweet Orange Body wash ay subok ng mga doctor na makakapagbigay ng malinis at makinis na balat dahil mayaman ito sa natural na sangkap gaya ng glycerin at aloe vera. Sinisigurado namin na wala itong mga mapanganib na sangkap gaya ng paraben at ilang synthetic fragrances na makakasira ng balat.

Suave Ocean Breeze Body Wash (P468)

See Also

Siksik sa Vitamin E at ilang sangkap na hindi matapang sa balat, ang Ocean Breeze Body Wash mula sa Suave Essentials ay tiyak na makakapagbalik ng lambot ng iyong balat. Mabula ito kaya epektibong nalilinis at natatanggal ang mga dead skin sa mga balat para makaiwas sa pagtubo ng taghiyawat.

Caress Sheer Twilight Body Wash (P300)

Ang Caress Sheer Twilight Body Wash ay may black orchid at juniper oil scent kaya para kang naligo ng pabango kapag ginamit mo ito. Tinatanggal nito ang dumi, sebo, at iba pang impurities ng balat kaya talaga namang hindi na kailanman kailangang mag-alala sa pagtubo ng taghiyawat sa katawan.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top