Now Reading
Uniqlo x Sailor moon sa kanilang natatanging kolaborasyon

Uniqlo x Sailor moon sa kanilang natatanging kolaborasyon

Isa ang cartoons, anime at Manga ssa mga kinalakihan nating palabas, at kung ikaw ay 90`s baby siguradong matutuwa ka sa balitang ito. Dahil ang paborito nating si Sailor Moon ay nagbabalik sa pinaka unang electronic-edition manga at kasabay nito ang paglabas ng isang natatanging kolaborasyon mula sa Uniqlo UT, isang brand ng damit at Sailor moon.

Uniqlo

Isa sa mga inilalabas ngayon ng Uniqlo ang mga damit na may disenyong animes, cartoons at mga paborito nating pinapanuod, sila ay nagkakaroon ng kolaborasyon sa mga kilalang anime at cartoons para sa mga disendyo nito. Isinabay sa paglabas ng kolaborasyon na ito sa ika-25th na anibersaryo ng Sailor moon. Ang Sailor moon ay kwento ng mga school girls na may kapangyarihang makapagsagip at makapagtanggol ng naapi,  una itong inilbas noong 1991 sa mga guhit at sulat ni Naoko Takeuchi,  nagkaroon ito ng halos 17 na translation at ginawang isang anime kung saan ay lalo itong tinagkilik sa buong mundo.

Uniqlo

Ang Uniqlo’s Sailor Moon UT collection ay mayroong 12 T-shirts na nagpapakita ng orihinal na artwork ng Sailor Moon creator na si Naoko Takeuchi. Mayroon itong kulay na puti, purple, pink, and blue at mayroong kasya mula sa pangbata hanggang sa pang matatandang sukat.

Uniqlo

Nariyan ang mga disenyo at artwork ng iba`t-ibang karakter mula sa manga na sina Luna at Artemis, ang Holy Grail at Silver Millennium, kung saan pinapakita ang mapayapa at maayos na samahan sa Moon kingdom at ang popular na “Moon Prism Power Make-up!,” sinasambit ni Usagi Tsukino upang magpalit ng anyo at maging si Saiolor moon.

See Also

Uniqlo
Uniqlo
Uniqlo

Ang mga tshirt na ito ay naghahatid ng positibong pananaw, kapayapaan at pagmamahal, kagaya ng kung anu ang nais iparating ng istory ng Sailor moon. Ang Uniqlo Saiolormoon UT collection ay mabibili sa kanilang online store, kaya huwag nang pahuhuli mga ka-SHY, subukan na ang mga Sailor moon collection na ito na hatid ng Uniqlo!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top