Now Reading
Usapang Royal Family: Alam niyo ba na mag-“bestfriend” sina Kate Middleton at Meghan Markle?

Usapang Royal Family: Alam niyo ba na mag-“bestfriend” sina Kate Middleton at Meghan Markle?

View this post on Instagram

Kate, Meghan & Pippa!😁💞

A post shared by Meghan Markle & Kate Middleton (@meghan_and_catherine) on

Kumalat ang balita tungkol sa di umano’y alitan ng Duchess of Cambridge na si Kate Middleton at Duchess of Sussex na si Meghan Markle mula noong nagdesisyon sina Meghan at Prince Harry na umalis sa Kensington Palace, kung saan nakatira sina Prince William, Kate Middleton, at kanilang mga anak. Lumipat sina Prince Harry at Meghan Markle sa Frogmore Cottage sa Windsor Castle na ilang kilometro ang layo mula sa Kensington Palace. Alinsunod dito, naghiwalay rin ng opisina ang dalawang royal couples.

Sa kabila ng ilang kontrobersiya tungkol sa di umanong di-pagkakasundo ng mag-bilas, isang balita ang lumabas kamakailan lamang na mag-bestfriend pala ang dalawa! Sa katunayan, madalas silang magkasama at naging gabay pala ang Duchess of Cambridge sa Duchess of Sussex mula sa pagdadalang-tao nito hanggang sa panganganak. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong ikinasal si Meghan kay Prince Harry noong Mayo taong 2018. Niregaluhan ni Meghan ang kanyang pinakamalalapit na kaibigan ng isang pasadyang “Kensington” bracelet ilang araw bago siya ikasal. Kabilang sa kanyang binigyan nito ay sina Benita Litt, Jessica Mulroney, at siyempre – si Kate Middleton. Ilang source rin ang nagsabi na madalas raw magka-text at magkausap ang dalawa. Nais siguraduhin ni Kate na maramdaman ni Meghan ang pagiging “welcome” nito sa royal family.

See Also

Sa katunayan, nasilayang magkasama ang sina Meghan at Kate sa Wimbledon kamakailan lamang. Sa kasalukuyan, may tatlong anak na si Kate Middleton sa panganay na anak ni Prince Charles na si Prince William, habang isa naman ang anak ni Meghan kay Prince Harry. Noong isang taon, habang nanganapa si Meghan sa pagiging bagong miyembro ng royal family, si Kate ay abala rin sa pagiging ina at pag-ganap sa kanyang role bilang susunod na reyna ng bansang United Kingdom. Kay sarap nga namang maging matalik na kaibigan ang iyong bilas lalong lalo na kung kabilang ka sa isang kilalang pamilya gaya ng royal family.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top